Wednesday, April 26, 2017
Home > National News > Mag-asawang Tiamzon nakabalik na sa bansa matapos ang back-channel talks

Mag-asawang Tiamzon nakabalik na sa bansa matapos ang back-channel talks


Nakabalik na sa bansa ang lider ng mga komunista at mag-asawang sina Benito at Wilma Tiazon matapos na mapagkasunduan ng gobyerno at ng Communist Party of the Philippines (CPP) na buhayin ang usaping pangkapayapaan.

Dumating ang dalawa dakong alas-siyete kagabi sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sakay ng Turkish Airlines flight.

Pinangunahan ng mag-asawa ang back-channel talks ng gobyerno at CPP sa Europe na nagresulta sa muling paggulong ng peace negotiations.

Tuluy-tuloy pa rin ang bakbakan ng New People’s Army (NPA) at ng mga tropa ng gobyerno hangga’t wala pang pormal na deklarasyon para sa unilateral ceasefire.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *