Mabigat na daloy na trapiko, asahan kasabay ng Metro Shake Drill

Asahan na ang nakapabigat na daloy ng trapiko ngayong araw ng Biyernes kasabay ng isasagawang Metro Shake Drill mamayang alas-kwatro ng hapon.

Ayon kay MMDA Oversight Committee on Public Safety head BGen. Manny Gonzales, gagawin nilang mas makatotohanan ang mga scenario para sa earthquake drill.

Ang Metro Shake Drill ay paghahanda sa posibleng paggalaw ng west valley fault o ang pagtama ng tinatawag na “The Big One” sa Metro Manila.

Iba’t ibang scenarios kaugnay ng earthquake drill ang isasagawa sa buong Metro Manila.

Inaanyayahan naman ang lahat ng sektor na makiisa sa naturang shake drill.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *