Luzon at Metro Manila, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang bahagi ng Luzon area at Metro Manila.

Naitala ang sentro ng pagyanig sa bayan ng Lian Batangas bandang 1:28 kaninang hapon.

Ayon sa PHIVOLCS tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 173km.

Naramadaman ang intensity ng lindol sa:

Intensity IV – Calapan, Mindoro; Subic, Zambales; Rosario, Cavite; Manila; Sablayan, Occidental Mindoro

Intensity III – Pateros City; Quezon City; Makati City; Malolos, Bulacan; Cainta, Rizal; Calamba, Laguna

Intensity II – Magalang, Pampanga; Tanauan City, Batangas

Intensity I – Talisay, Batangas

Nabulabog rin ang ilang ahensya ng pamahalaan matapos ang pagyanig.

Nagkansela na rin ng klase ang lahat ng antas ng paaralan sa buong Metro Manila.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *