LTFRB pinagpapaliwanag ang Genesis bus driver sa ipinakitang pangit na asal ng pagmamaneho


Pinagpapaliwanag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang Genesis bus driver.

Ito ay matapos mag-viral sa social media ang malikot at hindi mapalagay ang driver sa kaniyang pagmamaneho.

Ang naturang video ay kuha ng isang pasahero na sakay ng Genesis bus at in-appload sa social media.

Sa nasabing video ay kitang-kita ang ginagawa ng driver kung saan pinaalalahanan pa ng mga pasahero na maghinay-hinay sa pagmamaneho, pero sinagot pa sila nito na lumipat na lang ng ibang bus.

Sinabi ni LTFRB Law Enforcement Chief Francis Almora, ipapatawag nila ang driver kasama ang operation manager ng Genesis bus.

Sa panig naman ng Genesis bus management, ni-relieve na umano nila ang nasabing driver ng mapanood sa social media ang inasal nito.

Share it for others to know as well:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *