Lorenzana hindi inirekomenda ang Martial Law pero kailangan ito


Naglabas ng paglilinaw si Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana matapos sabihin ng minorya sa Senado na sinabi niyang hindi naman inirekomenda ng ahensiya na magkaroon ng Martial Law sa Mindanao.

Ayon kay Lorenzana, totoong sinabi niya sa executive session ng Senado na kayang ma-contain ng mga sundalo ang situwasyon sa Marawi nang walang Martial Law.

Pero iginiit umano niyang kailangan ang Batas-Militar para agad na masolusyonan ang problema sa Mindanao.

Hindi lang umano sa Marawi ang pokus ng mga militar, kundi maging ang matagal nang rebelyon sa mga probinsiya gaya ng Zamboanga, Davao, Bohol, Lanao, Basilan, Sulu, Tawi-Tawi at Maguindanao.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *