Light trucks bawal na sa EDSA at Shaw Boulevard


Simula na ngayong araw ang pagpapatupad ng light trucks ban sa EDSA at Shaw Boulevard.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), bawal nang dumaan sa EDSA tuwing rush hour ang mga truck na may bigat na 4,500 kilograms pababa.

Mula alas-sais ngayong umaga hanggang alas-diyes, bawal nang dumaan sa EDSA Southbound ang light trucks.

Mula alas-singko ng hapon hanggang alas-diyes ng gabi, bawal namang dumaan sa Northbound ang mga naturang trucks.

Nakatakda namang ipatupad ang kaparehong truck ban sa Shaw Boulevard upang mapaluwag ang daloy ng trapiko sa Mandaluyong at Pasig.

Sa pagtaya ng MMDA, nasa tatlong libong light trucks ang mababawas sa dumadaan sa EDSA at Shaw Boulevard tuwing rush hour.

Epektibo naman ang light truck ban simula Lunes hanggang Sabado maliban lang sa araw ng Linggo at holidays.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *