Thursday, April 27, 2017
Home > Showbiz > Legendary Actress Lolita Rodriguez, pumanaw na sa edad 81

Legendary Actress Lolita Rodriguez, pumanaw na sa edad 81


Pumanaw na ang Legendary Actress na si Lolita Rodriguez sa edad na walumpu’t isa.

Binawian ng buhay si Lolita nitong a-bente otso ng Nobyembre, alas-nuwebe kwarenta, oras sa California, matapos siyang ma-stroke dalawang buwan na ang nakararaan.

Itinuturing na isa sa greatest actressess ng pelikulang Pilipino si Lolita o Lolita Marquez Clark sa tunay na buhay.

Sa loob ng apat na dekada sa industriya ng pelikula, kinilala ang husay ni Lolita bilang aktres at makailang ulit na ring nagwagi ng acting awards.

Nanalo siya bilang Best Actress sa pagganap sa mga pelikulang Gilda, 1956; Kasalanan Kaya?, 1968; Stardoom, 1971;tinimbang ka ngunit kulang, 1971; at ina ka ng anak mo, 1979.

Ilan lamang sa mga nilabasan niyang pelikula ay ang: Cofradia, Pilya, Sabungera, Jack and Jill, Trudis Liit, Sa Kuko Ng Lawin, San Ka Man Naroroon, Ina Kapatid Anak, Ina Ka ng Anak Mo, at marami pang iba.

Taong dekada otsenta nang piliin ni Lolita na manirahan sa Amerika kasama ang mga anak

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *