Tuesday, April 25, 2017
Home > Showbiz > Lav Diaz itinanghal na ‘Best Director’ sa 2017 ADIFF

Lav Diaz itinanghal na ‘Best Director’ sa 2017 ADIFF


Muling nag-uwi ng karangalan si Lav Diaz bilang “Best Director” sa ginanap na 2017 Audi Dublin International Film Festival (ADIFF).

Ito ay para sa kanyang pelikulang “Ang Babaeng Humayo,” na pinagbidahan ni Charo Santos.

Nauna nang nagwagi si Diaz sa prestihiyosong 73rd Venice Film Festival para sa kaparehong pelikula.

Samantala, ayaw magbigay ng komento ni Bella Padilla tungkol sa napababalitang ang kanyang ex-boyfriend na si Neil Arce ang idine-date ngayon ni Angel Locsin.

Ang alam lang aniya ng aktres ay may idine-date nga ang kanyang ‘ex’ pero hindi niya alam kung si Angel ba ito.

Nauugnay ngayon si Angel at Neil matapos lumitaw ang larawan nila na magkasama sa Hong Kong nitong Holy Week.

Una na ring sinabi ni Angel na ‘exclusively dating’ na sila ng isang non-showbiz guy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *