Larawan ni Omar Maute na wala nang buhay, narekober ng militar

Posibleng nasawi na sa airstrike ng militar ang isa sa Maute brothers na si Omar Maute.

Ito ay matapos marekober ng Joint Task Force Marawi ang isang larawan na makikita ang isang lalake na wala nang buhay habang yakap-yakap ng isa pang hindi nakilalang lalake.

Natagpuan ang larawan mula sa cellphone sa isang encounter site sa Marawi.

Gayunman, hindi pa makumpirma kung kailan nakunan ang naturang larawan.

Una nang sinabi ng militar na posibleng nasawi sa kasagsagan ng bakbakan si Omar Maute pero hindi pa rin ito makumpirma ng otoridad.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *