Kylie Padilla labis ang tuwa nang makita ang itsura ng kanyang baby sa ultrasound


Hindi mapigil ni Kylie Padilla ang buhos ng kanyang emosyon samantalang ikinukuwento ang saya nang makita ang kanyang baby boy sa ikalawa niyang ultrasound session.

Sa kanyang YouTube video, ikinuwento ni Kylie sa fans na lumukso sa tuwa ang puso niya nang makita sa ultrasound ang hubog ng kanyang baby, ang mga kamay at mukha nito.

Maituturing din aniya ng aktres na ang pagdating ng una nilang anak ni Aljur Abrenica ang pinakamemorableng mangyayari sa buhay niya.

Sa ngayon ay nasa ikalawang trimester na ng kanyang pagbubuntis si Kylie.

Share it for others to know as well:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *