Korean community, pinangunahan ang memorial service para kay Jee Ick-joo sa loob ng Kampo Crame


Nagsagawa ng memorial service ang Korean community para sa negosyanteng Koreano na si Jee Ick-joo na dinukot at pinatay sa loob mismo ng Kampo Crame.

Dumalo sa nasabing service ang South Korean Ambassador to the Philippines na siJae-Shin Kim at mga lider ng iba’t ibangKorean community na nasa bansa.

Alas-tres ng hapon kahapon nang magsimula ang service na dinaluhan din ni Philippine National Police (PNP) Chief Director Ronald Dela Rosa.

Dumating din sa Kampo Crame si dating pangulo at ngayon ay Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo.

Kasabay ng memorial service, nagpalipad ng puting lobo na may nakasulat na “Tatang” at nag-alay ng panalangin ang mga empleyado ng kumpanya ni Jee na nanggaling pa sa Angeles, Pampanga.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *