Kongreso, tiniyak ang dagdag-pondo para sa mga sundalo at pulis

Handang aprubahan ng kongreso ang karagdagang labing apat na bilyong pisong pondo para sa mga sundalo at pulis.

Ito ang tiniyak ni House Appropriations Chairman at Davao City Congressman Karlo Nograles kasunod na rin ng kahilingan ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa recruitment ng mga sundalo at pulis.

Sinabi ni Nograles na bahagi ng nasabing pondo ay kasama na sa 3.767 trilyong piso ng 2018 National Expenditure Program at ipamahagi ito sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Bukod sa dagdag suweldo ng mga karagdagang uniformed personnel, ang labing apat na bilyong piso ay magpopondo rin para sa uniporme, rifles, ammunition, gears, training at iba pang mga pangangailangan ng mga recruits.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *