Kiray, binuweltahan ang kanyang bashers

Binuweltahan ng young comedienne na si Kiray Celis ang kanyang mga bashers.

Ito ay matapos umani ng batikos mula sa netizens ang kanyang swimsuit photo kasama ang rumored boyfriend na si Kirst Viray habang nakasakay sila sa bangka.

Ayon kay Kiray, nasa beach siya at tama lamang aniya na magsuot siya ng damit na angkop sa lugar.

Tila nang-asar pa si Kiray sa kanyang bashers at nagpost pa ito ng ilan sa kanyang swimsuit photos.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *