Kaso vs Marcelino sa illegal drugs muling ibinasura ng DOJ


Nakalaya na si Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino at Chinese interpreter na si Yan Yi Shou na nahuli sa isang drug laboratory sa Sta. Cruz, Maynila.

Ito ay matapos ibasura ng Department of Justice (DOJ) ang kasong may kinalaman sa conspiracy, manufacture at possession of illegal drugs.

Ayon sa DOJ, walang sapat na basehan ang mga paratang kay Marcelino.

Sa resolusyon ng DOJ, napatunayan nina Marcelino at Yan Yi Shou na ginampanan lamang nila ang kanilang tungkulin at nagsasagawa ng surveillance nang datnan ng raiding team sa isang bahay sa Sta. Cruz, Maynila.

Kung maaalaala, Setyembre noong nakalipas na taon nang binawi ng Manila Regional Trial Court (MRTC) ang naunang ipinalabas na resolusyon ng DOJ kaya muling pinaaresto si Marcelino.

Dagdag pa ng DOJ, na si Marcelino ay nakilala rin noong bahagi pa ito ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), kung saan ay nanguna sa pag-aresto sa tinaguriang “Alabang Boys” noong taong 2008.

Ibinulgar din ng opisyal ang tangkang panunuhol ng P3 milyon na tinanggihan naman nito.

Share it for others to know as well:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *