Kanselasyon ng peace talks sa CPP-NPA-NDF suportado ng ilang senador


Suportado ni Senate Majority Leader Vicente Sotto III ang pagkansela ni Pangulong Rodrigo Duterte sa peace talks sa pagitan ng gobyerno at CPP-NPA-NDF.

Ito ay matapos ang brutal na pamamaslang sa tatlong sundalo sa Malaybalay, Bukidnon noong nakaraang Miyerkules.

Sinabi ni Sotto na tama ang naging desisyon ng pangulo, lalo na’t may mga napaslang na sundalo kahit na ang pagtatapos ng ceasefire ay sa Pebrero 10 pa.

Bukod dito, suportado rin ng senador ang pagpapaaresto ni Duterte sa mga uuwing panel ng NDF mula sa Norway na nauna nang pinalaya para sa peace talks.

Ayon kay Sotto, ang iba sa political prisoners na pinalaya ay may kinahaharap ding mga kasong kriminal at hindi rebelyon lamang.

Please follow and like us:

One comment

  1. sipsip din itong bigote na ito wala namang ginawa sa senado puro lang pa porma. pweh!!! nakatago lang kayo sa malalamig na condo nyo, kami dito sa kanayunan ang maapektuhan gongong ka talaga sen!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *