Kampo ni Senadora Leila De Lima, bigong makakuha ng TRO sa Korte Suprema


Bigo ang kampo ni Senadora Leila De Lima na makakuha ng temporary restraining order (TRO) sa Korte Suprema laban sa warrant of arrest na inilabas ng Muntinlupa RTC Branch 204.

Sa halip ay binigyan ng Kataas-taasang Hukuman ang mga respondent sa kaso ni De Lima kabilang na si Muntinlupa RTC Branch 204 Judge Juanita Guerrero at Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald Dela Rosa ng sampung araw para magsumite ng komento at sagutin ang petisyon ng senadora.

Itinakda ng korte ang oral argument sa mga petisyon ni De Lima sa Marso katorse.

Maliban sa pagpapawalambisa sa warrant of arrest laban kay De Lima, hiniling din ng kampo nito na ipatigil ng Korte Suprema ang lahat ng aksiyon ng mababang korte sa kanyang kaso na may kaugnayan sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP).

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *