Thursday, April 27, 2017
Home > National News > Kampo ni Robredo handang magbayad para sa kontra-protesta

Kampo ni Robredo handang magbayad para sa kontra-protesta


Pinalagan ng kampo ni Vice President Leni Robredo ang hirit ni dating Senador Bongbong Marcos na ibasura ang kontra-protesta nito dahil sa kabiguang magbayad.

Ayon kay Atty. Romulo Macalintal, hinihintay nila ang resolusyon ng Presidential Electoral Tribunal (PET).

Noong Miyerkules ay naghain ang kampo ni Robredo ng clarificatory motion para linawin ang timing ng bayad sa kanilang kontra-protesta.

Iginiit ni Macalintal na dapat ay magbayad sila kung napagtibay na ng kampo ni Marcos ang kaso nito bilang ito naman ang naunang naghain ng electoral protest.

Kung magdesisyon naman umano ang PET na magbayad na ang kanilang kampo ay gagawin naman nila ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *