Kampo ni Floirendo kumpiyansang lusot sa legality ang TADECO-BuCor deal


Kumpiyansa ang kampo ni Davao del Norte Rep. Antonio Floirendo na lulusot sa legality ang joint venture agreement na pinasok ng Tagum Agricultural Development Company, Inc. (TADECO) sa Bureau of Corrections (BuCor).

Ito ay kaugnay ng pag-upa sa libu-libong ektaryang lupain ng Davao Penal Colony para gawing banana plantation.

Ayon kay Alex Valoria, presidente at chief executive officer ng TADECO, mismong si Department of Justice (DOJ) Sec. Vitaliano Aguirre na rin daw ang nagsabing aprubado ng mga dating kalihim ng DOJ ang joint venture agreement na ito.

Depensa ni Valoria, hindi nila ginugulo ang isyu at ang iprinisinta nilang mga argumento ay pawang balido dahil batay umano ang mga ito sa mga ligal na basehan.

Please follow and like us:

2 comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *