Justin Bieber, kinansela na ang Purpose World Tour

Kinansela ng pop singer na si Justin Bieber ang nalalabing bahagi ng kanyang Purpose World Tour.

Base sa inilabas na pahayag ng publicist ni Justin, may ‘unforeseen circumstances’ kaya kinansela ang konsiyerto ng singer.

Mahal aniya ni Justin ang kaniyang fans at ayaw niyang ma-disappoint ang mga ito.

Pero matapos ang masusing konsiderasyon nagpasya silang ihinto na ang world tour para sa nalalabing mga petsa.

Apektado nito ang mga show ni Justin sa North America at asia hanggang sa october 10 kabilang na ang Pilipinas na nakatakda sana nitong puntahan sa Septyembre 30.

Tiniyak naman ng kampo ng singer na ibabalik ang perang ibinayad ng mga nakabili na ng tickets.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *