Jovit Baldivino at kasintahang si Shara Chavez, hiwalay na

Kinumpirma ng kasintahan ni Jovit Baldivino na si Shara Chavez ang hiwalayan nila ng singer.

Ito ay matapos ang post ni Shara sa kanyang Facebook account ng ilang larawan ni Jovit kasama ang isang babae na umano’y dahilan ng hiwalayan ng dalawa.

Ayon kay Shara, mismong mula sa singer nanggaling na hindi na sila magkakabalikan pa.

Sa ngayon ay wala pang anumang pahayag na inilalabas si Jovit tungkol sa viral photos niya kasama ang isang babae.

Naging magkasintahan sina Jovit at Shara noong September 2015 at July 2016 nang isilang ang kanilang anak.

 

PHOTO COURTESY: Instagram photo of Shara Chavez

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *