Thursday, April 27, 2017
Home > Sports > Jessie Vargas, pikon na pikon na sa mga kritiko kaugnay sa nalalapit na paghaharap nila ni Manny Pacquiao

Jessie Vargas, pikon na pikon na sa mga kritiko kaugnay sa nalalapit na paghaharap nila ni Manny Pacquiao

Inalmahan na ni WBO Welterweight Champion Jessie Vargas ang mga pangbabatikos sa kaniya na isa lang siyang mahinang boksingero.

Pikon na si Vargas sa mga pasaring ng ilang mga sportswriters lalo na ang kilalang boxing analyst na si Max Kellerman.
Ayon kay Vargas, mga ignorante at istupido umano ang kaniyang mga kritiko.

Masama din ang loob ni Vargas dahil sa komentaryo na kapag nanalo siya, ay nagpapakita lamang daw ito na laos na si eight times division champ Manny Pacquiao.

At hudyat din daw ito na ang muling pag-akyat sa ring ni Pacman ay pera-pera lamang.

Nakikiusap din si Vargas na huwag tanggalin sa kaniya ang kredito bilang magaling na boksingero.

Kaugnay nito, tiniyak ni Vargas na siya ang mananalo sa laban nila ni Pacquiao sa November 5.

Ipapakita da niya sa mga boxing fans ang isang umaatikabong laban.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *