Jeepney operators at drivers na lumahok sa tigil-pasada pananagutin ng LTFRB


Tiniyak ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na mananagot ang jeepney operators at drivers na nakiisa sa transport strike nitong nakaraang Lunes.

Ayon sa LTFRB, nilabag ng jeepney operators at drivers ang probisyon ng ipinagkaloob na prangkisa na tutugon sa pangangailangan ng riding public.

Dahil sa nangyaring tigil-pasada, sinabi ng LTFRB na maaaring masuspindi o matanggalan ng karapatang makabiyahe ang mga ito.

Marami kasi sa commuters ang na-stranded dahil walang masakyan.

Napilitan ding magsuspindi ng klase ang ilang unibersidad at pasok sa mga opisina dahil sa naturang transport strike.

Ang tigil-pasada ay ginawa kasunod ng panukalang phase-out sa mga lumang unit ng mga jeep sa mga lansangan ng Metro Manila.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *