Japanese national patay sa ambush sa Roxas Boulevard


Patay ang isang Japanese national na kadarating lamang sa bansa matapos pagbabarilin ng riding in tandem ang sinasakyang van sa Roxas Boulevard, Maynila nitong Huwebes ng gabi.

Bukod sa biktima, may sakay pa umanong apat na Japanese at dalawang Pilipino ang tinambangang van.

Ayon sa driver, galing sila sa restaurant at pabalik na sa hotel sa Pasay nang sabayan sila ng dalawang lalaking nakasakay sa motorsiklo.

Nangyari ang pamamaril sa Southbound Lane ng Roxas Boulevard malapit sa kanto ng Pedro Gil.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga salarin at ang motibo sa krimen.

Share it for others to know as well:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *