Japan trip ni Duterte ‘di na matutuloy


Kinumpirma na ng Malacañang na hindi na matutuloy ang biyahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Japan na nakatakda sa susunod na linggo.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, ipinaalam na sa Department of Foreign Affairs ang desisyong ito ni Duterte para matutukan nito ang situwasyon sa Marawi.

Dadaluhan sana ni Duterte ang ika-23 Nikkei International Conference on the Future of Asia sa Tokyo.

Inaasahan namang ire-reschedule ang biyaheng ito ni Duterte.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *