Isang pulis sa Tuguegarao City, arestado dahil sa pagbebenta ng mga nakaw na motorsiklo


Arestado ang isang pulis dahil sa umano’y pagkakasangkot nito sa pagnanakaw ng mga motorsiklo sa Tuguegarao City.

Kinilala ang suspek na si SPO2 Ronald Casibang, nakatalaga sa Sta. Ana Police Station at residente ng Barangay Cataggaman Pardo.

Nahuli ang suspek sa isang entrapment operation matapos ireklamo sa mababang presyo ng ibinebentang motorsiklo na nagkakahalaga lamang ng 13,000 pesos.

Inamin naman ni Casibang na dalawa pang nakaw na motorsiklo ang ibinigay niya sa kaniyang kamag-anak.

Kasunod nito, nakita ng mga awtoridad ang mga carnap na motorsiklo Barangay Pallua Sur, Tuguegarao City.

Nahaharap ang suspek na si Casibang sa kasong paglabag sa Anti-Carnapping Act.

Share it for others to know as well:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *