Isang bahagi ng runway sa NAIA isinara


Pansamantalang isinara ang isang bahagi ng runway sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa abiso ng Manila International Airport (MIAA), ala-1:06 ng hapon nang isara ang Runway 06 matapos makitaan ng bitak.

Agad nagsagawa nang biglaang pagkukumpuni para maiwasan ang anumang insidente.

Dahil dito, lahat ng flights na papalapag sa NAIA ang na-divert sa Clark International Airport samantalang naantala naman ang ilang flights na papaalis sa NAIA.

Sa ngayon ay balik-normal na ang operasyon sa NAIA.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *