Friday, April 28, 2017
Home > Provincial > Isang babaeng kadete ng SAF, idineklang dead on arrival sa Calamba City

Isang babaeng kadete ng SAF, idineklang dead on arrival sa Calamba City

dead imageIdineklarang dead-on-arrival ang isang babaeng kadete ng Special Action Force (SAF).

Ito ay makaraang ma-heat stroke ilang minuto lamang matapos ang flag raising ceremony sa loob ng Calabarzon Police Regional Office sa Calamba City.

Ayon kay Calabarzon Police Medico-legal Officer Supt. Roy Camarillo, nasawi si Vanessa Teñoso dahil sa “sudden cardiac arrest secondary to heat stroke.”

Si Teñoso ay sumasailalim sa Public Safety Basic Recruit Course (PSBRC) bilang bahagi ng kanyang aplikasyon sa elite force unit ng SAF.

Sinabi ni SAF training branch head supt. Cyril Jasmin na obligado ang mga trainee na sumailalim sa anim na buwang PSBRC training bago sila ma-qualify sa SAF commando training.

Nagpaabot naman ng tulong ang national police training institute o npti ng p80,000 sa pamilya teñoso para sa gagastusin sa autopsy, casket at burial services.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *