Thursday, April 27, 2017
Home > Showbiz > Iris Mittenaere ng France, itinanghal na Miss Universe 2016

Iris Mittenaere ng France, itinanghal na Miss Universe 2016


Kinoronahan bilang bagong Miss Universe ang pambato ng France na si Iris Mittenaere.

Dinaig ng 24-anyos na tubong Lille, France ang higit walumpung kandidata na sumabak sa 65th Miss Universe Pageant.

Taong 1953 huling nasungkit ng France ang korona sa Miss Universe sa pangunguna ni Christiane Martel.

Itinanghal namang 1st Runner-Up si Miss Haiti Raquel Pelissier at 2nd Runner-Up si Miss Colombia Andrea Tovar.

Bigong makapasok sa top 3 ang pambato ng Pilipinas na si Maxine Medina.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *