Thursday, April 27, 2017
Home > National News > Impeachment complaint vs Duterte, Robredo di- susuportahan ng LP

Impeachment complaint vs Duterte, Robredo di- susuportahan ng LP


Hindi susuportahan ng mga mambabatas mula sa Liberal Party (LP) ang anumang impeachment complaint na ihahain sa sinumang lider ng bansa.

Ito ang naging pahayag ni House Deputy Speaker Miro Quimbo matapos ang pakikipagpulong kay Vice President Leni Robredo kasama ang iba pang mambabatas na kaalyado ng administrasyon.

Punto ni Quimbo, buo ang kanilang paniniwala na sa ngayon ay magiging ‘divisive’ at ‘polarizing’ lamang ang anumang impeachment complaint na matatalakay sa Kamara.

Sinabi rin ni Quimbo na ang mga dumalo sa pulong ay nanindigang hindi sila susuporta sa anumang nilulutong impeachment laban kay Robredo o kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *