Impeachment complaint laban kay Robredo, malaki ang tiyansang makalusot sa Kamara – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Impeachment complaint laban kay Robredo, malaki ang tiyansang makalusot sa Kamara


Kung si Senate President Koko Pimentel ang tatanungin, malaki ang tiyansang ma-impeach ng House of Representatives si Vice President Leni Robredo.

Ito ay dahil may solid na 230 supporters si House Speaker Pantaleon Alvarez sa Kamara.

At dahil sandaang boto lamang ang kailangan mula sa House members ay sigurado aniyang lulusot ang impeachment complaint, lalo’t kung si Alvarez ang mangunguna para rito.

Tumanggi naman si Pimentel na magkomento kung ano ang posibleng maging grounds para ma-impeach si Robredo.

Hindi aniya maaaring magkomento ang mga senador tungkol sa form at substance ng complaint dahil sila ang magiging hurado sa panahon ng impeachment trial.

Share it for others to know as well

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *