Tuesday, April 25, 2017
Home > Metro News > Ilang pangunahing lansangan sa Metro Manila, sarado ngayong araw

Ilang pangunahing lansangan sa Metro Manila, sarado ngayong araw

edsaSarado na sa trapiko ang kahabaan ng White Plains Avenue at ilang bahagi ng EDSA para bigyang-daan ang pagdiriwang sa ika-30 anibersaryo ng People Power 1.

Sarado na rin ang Northbound Lane ng EDSA Ortigas hanggang EDSA Santolan.

Mananatiling sarado ang nasabing mga kalsada hanggang mamayang 1:00 ng hapon.

Samantala isasara rin ngayong 7:00 ng umaga ang southbound lane ng EDSA Santolan patungo ng Ortigas hanggang 11:00 ng tanghali mamaya.

Kasabay nito, binuksan naman ang zipper lane o counter flow mula megamall patungong EDSA Santolan simula kaninang 12:00 ng hatinggabi hanggang ngayong 7:00 ng umaga.

Pinapayuhan naman ang mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta.

Suspendido na rin ang number coding ngayon sa lahat ng munisipalidad at lungsod sa Metro Manila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *