Ilang mga dating pulis, miyembro ng Maute-ISIS

Ibinunyag ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na mayroong mga Dating Miyembro ng Philippine National police na umano’y sumanib na sa teroristang Maute-ISIS Group.

Bagamat hindi tinukoy ni Dela Rosa ang pangalan ng nasabing mga police officer, nilinaw naman niya na sila ay mga absent without leave o AWOL na sa serbisyo simula pa noong 2014.

Base umano sa kanilang initial investigation, ang mga police officer na ito ay nagbalik-Islam na kaya matapos mag-AWOL ay wala nang balita kung nasaan na sila.

Ang nakuha umanong ID sa Marawi ay mula sa dalawang Rizal Police subalit hindi matiyak ng PNP kung sila ang may hawak nito dahil maari naman itong ibigay sa ibang tao.

Paliwanag pa ng Chief PNP na ang pagbabalik Islam ay hindi isang krimen kaya hindi sila maaaring hulihin hanggang sa tuluyan na lamang silang mag AWOL.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *