Ilang lugar na kinubkob ng Maute Group sa Butig, Lanao Del Sur, narekober na


Narekober na ng tropa ng militar ang sisenta porsyento sa tinatayang sampung ektaryang kalupaan na kinubkob ng Maute Group sa Butig, Lanao Del Sur.

Ito ay matapos ang ika-6 na araw na pinaigting na opensiba ng militar laban sa teroristang grupo.

Ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP), kabilang sa mga lugar na nabawi na ng mga sundalo ay ang Madrasah na isang Arabic school at isang national high school.

Samantala, kumpiyansa naman ang militar na tuluyan nang mababawi ngayong araw ang buong bayan ng Butig mula sa Maute.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *