Tuesday, April 25, 2017
Home > Metro News > Ilang kalsada sa QC isasailalim sa reblocking at road repair

Ilang kalsada sa QC isasailalim sa reblocking at road repair


Ilang kalsada sa Quezon City ang isasailalim sa reblocking at road repair ngayong weekend.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), magsisimula ang reblocking mamayang alas-onse ng gabi hanggang alas-singko ng umaga sa Lunes, Abril 24.

Kabilang sa mga apektadong kalsada ang Northbound Lane ng Mindanao Avenue, Commonwealth Avenue, Quirino Highway at Congressional Avenue Extension.

Apektado rin ang Southbound Lane ng EDSA mula Roosevelt Avenue hanggang Quezon Avenue.

Dahil dito, inaabisuhan ng MMDA ang mga motoristang iwasan ang mga nasabing lugar at maghanap ng alternatibong ruta upang hindi maabala sa biyahe.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *