Tuesday, April 25, 2017
Home > News Center > Ilang bayan sa lalawigan ng Bulacan, inalerto dahil sa pagpapakawala ng tubig sa Angat Dam ngayong araw

Ilang bayan sa lalawigan ng Bulacan, inalerto dahil sa pagpapakawala ng tubig sa Angat Dam ngayong araw

angatInalerto ng National Power Corporation (NAPOCOR) ang ilang bayan sa lalawigan ng Bulacan bunsod sa gagawing pagpapakawala ng tubig ng Angat Dam ngayong araw.

Ayon sa NAPOCOR, na nangangasiwa sa dam, bubuksan nila ng hanggang 0.5 meters ang gate 2 ng Angat Dam.

Magpapakawala ng 70 cubic meters bawat segundo ang NAPOCOR, simula mamayang 8:00 ng umaga.

Ang pagpapakawala sa tubig ay base sa rekomendasyon ng PAGASA dahil sa patuloy na pag-ulan sa bahagi ng angat dam dulot ng hanging amihan.

Tiniyak ng NAPOCOR na walang malaking pagbaha sa Bulacan dahil dadaloy ang tubig sa malalaking ilog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *