Ikalawang gintong medalya, nasungkit ng Pilipinas sa nagpapatuloy na 5th Asian Beach Games Sa Vietnam


Muli namang nakasungkit ng gintong medalya ang Pilipinas sa nagpapatuloy na 5th Asian Beach Games sa Da Nang, Vietnam.

Ito ay matapos na tulunin ni Annie Ramirez si Deepudsa Siramol 10-0 sa Women’s 55kg division ng Jiu-Jitsu.

Matatandaan na noong linggo ay nakuha ng Pilipinas ang unang gold medal sa pamamagitan ni Margarita Ochoa matapos manalo sa 45-kg. category.

Samantala, bukod naman sa gold medal ay mayroon din bronze medals ang nakuha ang bansa sa pamamagitang third-place victories ni Jenina Napolis at Apryl Eppinger.

Share it for others to know as well:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *