IED natagpuan sa pampasaherong bus sa Cavite


Isang improvised explosive device (IED) ang natagpuan sa isang pampasaherong bus sa Barangay Salitran IV, Dasmariñas City, Cavite.

Ayon sa Dasmariñas Police, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang pasahero ng Jasper Jean Bus tungkol sa bag na naglalaman ng pampasabog kaya agad silang rumesponde.

Nakita sa loob ng bag ang IED, cellphone, charger at baterya na maaaring maging sanhi ng pagsabog.

isasailalim na sa digital forensic examination ang nadiskubreng cellphone para malaman kung sino ang nag-iwan ng pampasabog.

Share it for others to know as well:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *