Iba’t ibang grupo, nagsagawa ng kilos protesta para tutulan ang jeepney phaseout

Nagsagawa ng malawakang kilos-protesta ang iba’t ibang grupo ng mga operator at driver ng mga jeep upang tutulan ang  jeepney phaseout.

Bitbit ang naglalakihang streamers, nagsama-sama sa elliptical road ang mga driver at operator at nagmartsa patungong Mendiola.

Ayon sa grupo, ang itsura ng jeep ay orihinal na disenyo ng Pinoy kaya maituturing itong national treasure habang ang mga panukalang bagong jeep o mga e-jeepneys ay disenyo anila ng mga dayuhan.

Una nang sinabi ng Grupong PISTON na hindi transport strike ang kanilang isasagawa kundi transport caravan lamang.

Ilang asosasyon na ng mga driver at operator ang nagpa-abiso sa kanilang mga miyembro hinggil sa strike.

PHOTO FROM PISTON PARTYLIST

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *