Huling bugso ng SSS pension hike makukuha ngayon – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Huling bugso ng SSS pension hike makukuha ngayon


Matatanggap na ng mga kuwalipikadong pensioners ang huling bugso ng sanlibong pisong dagdag-pensiyon ng Social Security System (SSS).

Ang nasabing sanlibong piso ay para sa buwan ng Marso.

Nagpaalaala naman ang SSS sa mga pensiyonado na agad na ipaalam sa kanila kung hindi matatanggap ang karagdagang benepisyo.

Noong nakaraang linggo ay ini-release na ng SSS ang una at ikalawang bugso ng dagdag-pensiyon na para sa mga buwan ng Enero at Pebrero.

Sa Abril ay isasabay na ang sanlibong pisong dagdag sa regular na buwanang pensiyon.

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sanlibong pisong pension hike noong Enero.

Share it for others to know as well

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *