Holdaper patay matapos manlaban sa Parañaque City – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Holdaper patay matapos manlaban sa Parañaque City


Patay ang isang holdaper matapos manlaban sa C-5 Extension Parañaque City kaninang madaling araw.

Ayon sa mga awtoridad, nang-agaw ng bag ang suspek sa isang babae sa harapan ng mall na armado ng kalibre .38.

Sa ngayon, inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng napatay na holdaper.

Samantala sa Quezon City, iba’t ibang uri ng baril at bala ang nakumpiska ng Quezon City Police District (QCPD) sa isang bahay sa Vivian St. Brgy. Culiat.

Maliban pa rito, nakakumpiska rin ang mga awtoridad ng 7 sachets ng hinihinalang shabu.

Tinitingnan naman ng mga awtoridad ang posibleng koneksiyon ng target sa operasyon ng mga armed group.

Share it for others to know as well

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *