Saturday, April 29, 2017
Home > National News > Hirit ni Revilla para mabisita ang ama pinagbigyan ng Sandigan

Hirit ni Revilla para mabisita ang ama pinagbigyan ng Sandigan


Pinagbigyan ng Sandiganbayan First Division ang urgent motion ni dating Senador Bong Revilla, Jr. para mabisita ang amang maysakit na nasa ospital.

Humirit si Revilla na madalaw bukas ang amang si dating Senador Ramon Revilla, Sr. na naka-confine sa St. Luke’s Medical Center Bonifacio Global City sa Taguig.

Magtatagal ang pagbisita ni Revilla mula alas- sais ng umaga hanggang alas-dose ng tanghali.

Nito lamang Pebrero ay inoperahan ang matandang Revilla dahil sa sakit sa puso.

Nakadetine ang nakababatang Revilla sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame dahil sa pork barrel scam.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *