Saturday, April 29, 2017
Home > National News > Higit 3,000 reklamo laban sa mga pulis, natanggap ng CITF

Higit 3,000 reklamo laban sa mga pulis, natanggap ng CITF


Nasa kabuuang 3,279 na reklamo sa pamamagitan ng text messages at walk in complainants ang naitala ng  Counter Intelligence Task Force (CITF) laban sa mga pulis na sangkot sa iba’t ibang uri ng katiwalian sa loob lamang ng isang buwan.

Ayon kay CITF Spokesperson PCInsp. Jewel Nicanor, nasa tatlong tawag at walk in complainants ang natatanggap nilang reklamo araw-araw.

Karamihan sa mga sumbong ay kasong robbery at extortion sa mga motorista at illegal arrest.

Sa ngayon, nasa 14 na pulis na ang kanilang naaresto at ipinagharap ng kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *