Higit 100 pulis itinalaga sa Quiapo para sa Ramadan


Mahigit sandaang pulis ang itinalaga ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Quiapo, Maynila bilang preparasyon sa nalalapit na Ramadan.

Ayon kay NCRPO Director Oscar Albayalde, naglagay sila ng dagdag na police community precinct at dagdag na kapulisan sa lugar partikular na sa Golden Mosque para tiyakin ang seguridad dito.

Mahigpit na rin aniya ang kanilang ipinatutupad na seguridad sa lugar.

Magsisimula ang Ramadan sa Mayo 26 ng gabi at magtatagal ng isang buwan.

Matatandaang sunud-sunod ang pagsabog na naganap sa Quiapo, Maynila na ikinasawi ng dalawa katao at ikinasugat ng marami.

Share it for others to know as well:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *