Thursday, April 27, 2017
Home > International News > Hawaii, isinailalim na sa state of emergency

Hawaii, isinailalim na sa state of emergency

Nasa ilalim ngayon ng state of emergency ang Hawaii dahil sa dengue outbreak.

Ayon kay Hawaii County Mayor Billy Kenoi, nakapagtala ang Hawaii health office ng 250 kaso ng dengue sa loob lamang ng 4 na buwan.

Dahil dito, inaatasan ni Kenoi ang bawat mamamayan ng Hawaii na itapon ang mga lumang gulong na pinamumugaran at pinangingitlugan ng mga lamok at pagpapanatili sa malinis na kapaligiran.

Sa tala ng health office, pinakamalaking dengue outbreak ang naitala ngayon simula noong 1940’s.

Samanatala, inihayag naman ni Hawaii Governor David Ige na suportado niya ang ginagawang paghahanda ni Kenoi.

Ngunit hindi aniya siya magpapalabas ng deklarasyon ng statewide emergency maliban na lamang kung kumalat ang outbreak sa iba pang isla at ma-develop sa iba pang sakit tulad na lamang ng zika virus.

Ang lamok na “aedes aegyti” ang siyang carrier ng sakit na dengue kabilang na ang yellow fever, zika virus at chikungunya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *