Friday, April 28, 2017
Home > National News > Harassment sa mga mangingisda sa WPS bineberipika na

Harassment sa mga mangingisda sa WPS bineberipika na


Bineberipika na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga ulat ng panibagong insidente ng harassment sa mga mangingisda sa West Philippine Sea (WPS).

Sa statement ni DFA Spokesperson Robespierre Bolivar, sinabi nitong may mekanismo naman para ipaabot sa China ang nasabing concern, lalo pa’t mas maayos na ngayon ang relasyon ng Pilipinas dito.

Tinukoy ni Bolivar ang bilateral consultation mechanism na layuning talakayin ang issues of concern sa pinag-aagawang teritoryo.

Napaulat na binomba ng water cannon ng Chinese vessels ang mga mangingisdang Pinoy sa lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *