Thursday, April 27, 2017
Home > Provincial > Grupong Maute, walang planong makipagkasundo sa gobyerno

Grupong Maute, walang planong makipagkasundo sa gobyerno


Nanindigan ang Grupong Maute na hindi sila susuko at makikipag-negosasyon sa gobyerno.

Ayon sa Maute, wala silang hinihinging anuman mula sa pamahalaan, pero nais lamang daw nilang subukan si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang naging pahayag ng ilang opisyal ng barangay na nakausap ng mga lider ng Maute sa pamumuno ni Omar Khayam Maute at mga kapatid nitong na sina Mohammad at Abdullah.

Sinabi ng mga lokal na opisyal ng Butig Lanao Del Sur, na ang magkakapatid ay nagpakilalang bahagi ng Islamic State o’ ISIS.

Una nang nagbabala ang grupo na kanilang pupugutan ng ulo si Pangulong Duterte.

Dahil dito, walang katotohanan ang naunang napabalitang namatay na si Omar Khayam noong buwan ng hulyo ng tangkang sakupin nito ang bayan ng Butig.

Binigyang diin ng mga lokal na opisyal ng butig na mismong si Omar Khayam ang kanilang kausap nitong Biyernes.

Sa ngayon ay inalerto na ng mga opisyal ng bayan ng Butig ang mga residente sakaling magkaroon muli ng bakbakan sa pagitan ng gobyerno at rebeldeng grupo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *