Thursday, April 27, 2017
Home > International News > Grupong IS inako ang pagpapasabog sa 2 simbahan sa Egypt

Grupong IS inako ang pagpapasabog sa 2 simbahan sa Egypt


Inako ng grupong Islamic State (IS) ang pambobomba sa dalawang simbahan sa Egypt kahapon.

Sa ngayon, nasa apatna pu’t tatlo na ang kumpirmadong nasawi samantalang higit 100 katao ang sugatan sa dalawang magkahiwalay na pagpapasabog.

Unang naganap ang pagsabog sa Saint George Church sa Siyudad ng Tanta sa Nile Delta, kung saan ay umabot sa dalawampu’t pito katao ang nasawi.

Labing-anim naman ang patay sa pagsabog sa Saint Mark’s Cathedral sa Alexandria.

Ginawa umano ito ng grupong IS laban sa Coptic minority sa Egypt.

Naganap ang pag-atake ilang linggo bago ang inaasahang pagbisita ni Pope Francis.

Nagdeklara naman ng tatlong buwang state of emergency si Egypt President Abdul Fattah Al-Sisi kasunod ng pambobomba.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *