Grizzlies nakabawi sa Game 3 ng playoffs vs Spurs


Nakabawi ang Memphis Grizzlies kontra-San Antonio Spurs sa Game 3 ng National Basketball Association (NBA) playoffs, sa score na 105-94.

Sa nakaraang dalawang laban ay tinambakan ng   Spurs ang Grizzlies.

Nagsanib-puwersa ang ‘Big 3’ ng Grizzlies para pataubin ang Spurs sa pangunguna ni Mike Conley na nagpakawala ng 24 points samantalang tig-21 points naman sina Zach Randolph at Marc Gasol.

Hindi naman umubra ang 18 points ni Kawhi Leonard para sa Spurs.

Hawak pa rin ng Spurs ang kalamangan sa best-of-seven series kontra-Grizzlies na 2-1.

Susubukin namang itabla ng Grizzlies ang serye sa Game 4 na magaganap sa Linggo.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *