Gilas, idedepensa ang korona sa Jones Cup sa Taiwan

Handa nang depensahan ng national basketball team Gilas Pilipinas ang korona sa gaganaping ika-39th edition ng William Jones Cup na magsisimula bukas sa Taiwan.

Bago umalis ng bansa kanina ay nagsagawa muna ng final practice ang koponan.

Ang team ay binubuo ng mas batang mga miyembro at isang import na si Mike Myers mula sa TNT-Katropa team sa PBA.

Umaabot sa labing pito lahat ang players ng Pilipinas pero 12 players lamang ang dapat gamitin sa bawat laro.

Mabigat din ang laban ng Pilipinas sa Taiwan dahil sa sunod-sunod ang laro sa loob ng siyam na araw.

Unang sasabak ang mga Pinoy sa Sabado alas-3:00 ng hapon laban sa Canada, habang sa linggo naman kontra sa team ng Chinese-Taipei blue.

Sa Lunes, makakaharap ng Gilas ang sa isa pang Chinese-Taipei white team, sa Martes naman ay haharapin ang Japan at sa Miyerkules makikipagtuos ang Gilas sa South Korea.

Ang Pilipinas ang winningest team sa tournament na may limang korona.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *