Geology students at mga minero, nagprotesta sa tanggapan ng DENR


Nagsagawa ng kilos-protesta sa tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Quezon City ang halos 200 geology students at mga minero.

Hiling ng grupo na i-lift ni DENR Secretary Gina Lopez ang suspension order na ipinataw sa 23 kumpanya ng minahan.

Inihayag ng grupo na naniniwala sila sa adbokasiya ng responsableng pagmimina at nanawagan ng transparency sa proseso ng mining audit na ginawa ng DENR.

Anila, ang suspensiyon ng nasabing mga minahan ay maaaring magresulta sa kawalan ng trabaho ng mga bagong nagsipatapos ng Mining Engineering, Geology, Metallurgical Engineering at iba pang apektadong larangan.

Share it for others to know as well:

One comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *